Tuesday, April 19, 2005

Halik

Ang tamis ng iyong mga halik,
Ay nalalasahan sa mga labi.
Para bang mga rosas at cheryang
Pinaghalo sa asukal na matamis.
Sana di matapos ang tila pagapak
Ko sa langit at buwan.
Sa bawat dampi ng iyong mga labi
Sa aking labi.
Walang humpay sana ang apoy
Na dama sa bawat halik,
Ng iyong mapulang bibig
Sa akin.
Sinta, sana walang katapusan
Ang iyong pag-ibig sa akin.
Habang ako'y buhay at naghihintay sa yo,
Sa bawat oras at araw na nagdaraan.
Hintay ang iyong mga bisig,
Sa aking mga naghihintay na kamay
Ang yong mga mata na tila liwanag,
Sa madilim na gabi
Ay aking tititigan;
Ang iyong puso at katotohanan
Pag-ibig ko sana'y iyong pakamalan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home