Sunday, February 21, 2010

Mahal Ko

Nabasa mo na ba
Ang mga sulat ko sa yo
Naikwento ko na ba
Kung gano kahirap
Ang wala ka sa piling ko.
Mahal ko
Kumusta ka na ngayon
Ikaw ba ay nasa mabuting kalagayan
Mahal ko
Iniibig kitang tunay
Kahit mundo man ay magunaw
Nandito lang ako maghihintay sayo
Hindi matitinag
Ng kung ano man
Ang pag-ibig ko sayo
Dahil sayo ko lang
Nadama ang pag-ibig
Na walang kaparis
Mahal ko
Sana nandito ka sa piling ko
Sana magkasama tayo
Sa bawat oras at minuto.
Labis ang aking lungkot
Sa bawat minutong lumilipas
Na wala ka sa tabi ko
Dahil ang boses mo
Ay aking naririnig
Sa katahimikan ng gabi
Ang tinig mo ay
Gumigising sa aking paghimbing
Mahal ko
Kailan tayo magkikita
Kailan ka paparito
Upang ako ay isama
Sa iyong pagtahak
Sa mundong malawak
Mahal ko, iniibig kita
Hindi ako nagbibiro.
Mahal ko
Mahal kita, iniibig kita
Hanggang kamatayan
Hanggang sa paggunaw ng mundo
Hanggang sa walang hanggan...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home